Screenshot
Tuloy na ngayong Miyerkules, September 16 ang Trabaho at Serbisyo Hatid sa Bayan 2026 ng Civil Service Commission (CSC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary.
Dito sa National Capital Region (NCR), gaganapin ang aktibidad mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa ikaapat na palapag ng SM North EDSA Annex.
Layon ng aktibidad na ilapit sa publiko ang mga oportunidad sa trabaho sa gobyerno at iba’t ibang frontline services.
Maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga aplikante sa participating government agencies para malaman ang mga bakanteng posisyon, recruitment requirements, at proseso, gayundin ang sumailalim sa preliminary screening.
Maaari ring magbigay ang mga ahensya ng frontline services na maaaring makumpleto o maiproseso sa mismong venue, kabilang ang blocking ng cellphone at SIM cards, registration sa government services, at updating ng records.