Binigyang-diin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Juan Miguel Cuna ang direktang commitment ng bansa para sa isang low carbon future.
Ayon kay Cuna, hindi na sapat ang puro talakayan lamang. Kailangan na ng maayos, organisado, at may pananagutang pagpapatupad upang tuluyang maikonekta ang ating climate ambition sa totoong galaw ng ating ekonomiya.
Sa ilalim ng 2026 Nationally Determined Contribution (NDC) na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nahahati sa dalawang bahagi ang target ng bansa: una ang 7% Unconditional Contribution na popondohan gamit ang sariling likas-yaman at pambansang kakayahan ng Pilipinas.
Habang ang 68% Conditional Contribution ay nakasalalay naman sa tulong ng climate finance, technology transfer, at capacity building mula sa international community.
Isinusulong din ng pamahalaan ang tinatawag na Just Transition Framework upang tiyakin na sa gitna ng decarbonization o pagbawas ng nakalalasong usok sa hangin, hindi maiiwan ang ating vulnerable sectors, mga informal worker, at ang mga lokal na komunidad.