Naghain ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez sa kinahaharap niyang kasong plunder sa Sandiganbayan Third Division.
Humarap si Romualdez sa arraignment sa pamamagitan ng videoconference mula sa Quezon City Jail Male Dormitory. Personal namang binasa ng Division Clerk of Court ang mga kasong nakasaad sa information sa harap ni Romualdez.
Nakasuot si Romualdez ng dilaw na PDL shirt at jacket, at naka wheel chair habang katabi niya ang kanyang lead legal counsel na si Atty. Jose M. Roy III.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y ₱7.44 bilyong kickbacks sa mga flood control at iba pang government projects mula 2022 hanggang 2025.
Kaugnay nito, itinakda na ang pre-marking of evidence sa September 18, 21-23 ng alas-2 ng hapon at ang pre-trial sa September 25 ng alas-8:30 ng umaga.
Hiniling din ng depensa ang patuloy na video conference sa lahat ng mga susunod na pagdinig at posibleng hindi na pagdalo ni Romualdez.
Kinumpirma rin ng depensa na maghahain ito ng petition for bail sa korte.
Kaugnay nito, binigyan din ng 10 araw si Romualdez para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat masuspinde bilang kongresista.
Nananatiling at large ang tatlo pang kapwa akusado ni Romualdez, kabilang si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.