Photo courtesy of Pag-IBIG Fund Facebook
Naging matagumpay ang isinagawang Nationwide Open House sa Bagong Pilipinas na pinangunahan ng Pag-IBIG Fund at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).
Sa panayam ng programang Boses kay Pag-IBIG Fund Vice President for Public and Member Relations Group Jack Jacinto Jr. na mahigpit ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mailapit ang mga abot kaya at dekalidad na pabahay sa bawat Pilipino, na makukuha sa pamamagitan ng Pag-IBIG housing loan.
Pumalo sa 3,500 na quality housing units na ready for occupancy na ang inialok sa open house na matatagpuan sa 14 na lokasyon sa buong bansa kabahagi pa rin ng Expanded 4PH program ng pamahalaan.
Papalo sa ₱3,400 hanggang ₱3,500 ang buwanang hulog sa mga nasabing housing units sa loob ng unang taon.
Ani Jacinto, personal ding nakita ng mga interesadong house buyer ang mga unit mula sa bare hanggang model type nito.
Pagtitiyak pa ng Pag-IBIG, na matapos man ang open house sessions ay makikita pa rin ang mga murang pabahay sa website ng Pag-IBIG Fund.