Iprinesenta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project sa international climate forum sa Vienna, Austria.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary Monina Josefina Romualdez ang delegasyon ng Pilipinas sa forum noong Setyembre 7 hanggang 10.
Ayon kay Romualdez, ipinatutupad ang proyekto sa ilalim ng KALAHI-CIDSS at nakatuon sa 500 vulnerable municipalities sa bansa.
Tinatayang 4.13 milyong kabahayan ang direktang makikinabang sa programa.
Layunin ng proyekto na tulungan ang mga komunidad na matukoy ang climate risks, bumuo ng adaptation strategies, at magsagawa ng mga hakbang bago lumala ang mga hazard at mauwi sa disaster.