Alas-9 ngayong umaga inaasahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa open parking ng NAIA Terminal 3 sa Lungsod ng Pasay.
Ito’y para pangunahan ang groundbreaking ceremony ng Metro Manila Subway Project-NAIA Terminal 3 na magbibigay ng direktang subway connection sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang nasabing subway station ang magsisilbing airport rail link gayung hindi lamang ito subway para sa ordinaryong commuters.
Magiging bahagi rin ito ng transportation system para sa mga domestic at international air passengers, airport workers at mga biyaherong papunta o galing sa NAIA.
Ang NAIA Terminal 3 Station ay parte ng 17 istasyon ng 33 kilometer Metro Manila Subway project.
Magiging fully operational ang nasabing railway project sa 2031, habang 2028 naman ang target na demonstration run na magsisimula muna mula East Valenzuela sa Valenzuela City hanggang Quirino Station sa Quezon City.