Photo courtesy of Land Transportation Office (LTO)
Tuluyan nang ni-revoke ng dalawang taon ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach, kaugnay ng road crash na kinasangkutan nito sa Marcos Highway, Antipolo City, Rizal, noong Agosto.
Batay sa imbestigasyon at pagdinig ng LTO, napatunayang may pananagutan si Muhlach sa paglabag sa reckless driving at idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan sa dalawang taong revocation ng kanyang lisensya..
Una na ring inamin ng aktor na nakaranas ito ng matinding pagod kaya nawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan, na nagresulta sa pagkakabangga nito sa tatlong establisyimento.
Nananatili ring naka-alarm status ang sasakyang sangkot sa aksidente para matiyak ang pagpapatupad ng parusa at maiwasan ang anumang transaksyon dito habang umiiral ang resolusyon.