Nirerespeto ng Employers’ Confederation of the Philippines o ECOP ang inilabas na Wage Order 28 ng Regional Wage Board para sa ₱60 na umento sa sahod sa Metro Manila.
Sa isang panayam kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., sinabi niyang katanggap-tanggap at mas kakayanin ng mga negosyante ang ₱60 na umento sa sahod, kaya nirerespeto nila ang inilabas na wage order.
Pero ipinaliwanag naman ng ECOP na bago pa man lumabas ang Wage Order 28, nagpatupad na sila ng ₱60 na umento bilang pagtalima sa naunang Wage Order 27.
Katwiran ng ECOP, magpapasko kaya ipinatupad ng kanilang mga miyembro ang umento kahit pa may Temporary Restraining Order ito mula sa Pasig Regional Trial Court.
Kung magtataas man aniya muli ang sahod sa January 2027, ay handa ring tumalima ang ECOP.