Target ng Commission on Human Rights (CHR) na maresolba bago matapos ang 2026 ang mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa drug war ng nakaraang administrasyon.
Ito ang inihayag ni House Appropriations Committee Vice Chairperson Cristina Talavera-Lopez sa plenary deliberations sa panukalang 2027 budget ng CHR.
Ayon kay Talavera-Lopez, kinumpirma ng CHR na 140 kaso ang kasalukuyang nasa proseso ng disposition o paghahanda para sa resolusyon ng EJK taskforce.
Kabilang ito sa daan-daang kaso na muling sinuri ng komisyon, kabilang ang 493 kaso noong 2024 at 289 kaso noong 2025.
Nilinaw naman ng CHR na habang tinututukan ang 140 kaso para sa disposition ngayong taon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa iba pang natitirang kaso.
Umaasa naman si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na tutuparin ng CHR ang pagresolba sa naturang mga kaso bago matapos ang taon.