Naniniwala si trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na magiging pamantayan na ang makasaysayang konsultasyon sa mga dating punong mahistrado ng Korte Suprema sa mga impeachmemt trial sa hinaharap.
Ayon kay Adiong, historic moment ito sa gitna ng pag-aaral ng mga senator-judges sa 2/3 conviction vote sa paglilitis ni VP Sara.
Ginawa ang amicus curiae sa sitwasyon ng mga miyembro ng Senado na hindi nakakadalo sa paglilitis gaya nila Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta na nakakulong habang nakabinbin ang mga kasong kriminal laban sa kanila, si Sen. Ronald dela Rosa ay nagtatago dahil sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC), at si Sen. Loren Legarda naman ay nasa medical leave.
Ang kanilang mga opinyon ay magiging bahagi ng talakayang legal kapag isinumite na ng prosekusyon at depensa ang kani-kanilang posisyon sa harap ng mga senador-judges sa nakatakdang oral arguments.
Paglilinaw ng Mindanao solon, hindi saklaw o nakatali ang Senado sa mga pananaw ng mga amici curiae at nananatili sa kanila ang kapangyarihang konstitusyonal na magpasya kung paano ipatutupad ang panuntunang ito sa kasalukuyang kaso.