“Nakakagalit at napakasama.”
Ito ang reaksyon ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela matapos sadyang banggain ng China Coast Guard 21585 ang BFAR Datu Magat Salamat (MMOV 3015), 54 nautical miles mula Palawan kaninang alas-11 ng umaga (September 18).
Ayon kay Tarriela, nilagay ng CCG sa peligro ang buhay ng mga nakasakay sa barko ng Pilipinas.
Imbis na tulungan matapos ang pagbangga ay patuloy pa rin nagsagawa ito ng dangerous manuevre.
Habang nasasagawa ng online presscon ang PCG, naglabas din ng impormasyon ang China sa kanilang Facebook account kung saan sinasabi nito na nagpapatupad sila ng batas at ang barko ng Pilipinas umano ang may kasalanan kaya nangyari ang pagbangga.
Hindi tinanggap ni Tarriela ang paliwanag ng China at sinabing nasa 54 nautical miles mula Palawan lang ang nangyaring insidente na pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at hindi nang-uudyok ang BFAR vessel na nagsasagawa lamang ng humanitarian mission para sa mga mangingisdang Pilipino.