Dinefer ng Kamara de Representantes ang pagtalakay sa panukalang budget ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ito ay matapos ihain ang mosyon ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio na ipagpaliban muna ang deliberasyon.
Pangunahing ikinonsidera sa desisyon ang mga tanong at isyu ukol sa proyektong Pax Silica, gayundin ang kalagayan ng mga katutubo o Indigenous Peoples (IP) sa Clark.
Sa panig ng BCDA, nilinaw ng ahensya na wala pang pinal na kasunduan kaugnay ng naturang proyekto.
Tiniyak din ng ahensya na walang magsasaka, katutubo, o manggagawang maagrabyado sakaling ituloy ang pag-unlad nito.
Dagdag pa ng ahensya, mananatiling iiral ang mga batas ng Pilipinas sa operasyon ng anumang dayuhang kumpanya sa lugar. Ang Pax Silica ay itinaguyod ng Estados Unidos na layong gawing sentro ng AI at advanced technology ang bansa sa rehiyon sa tulong ng Luzon Economic Corridor.