Pinaiigting pa ng Department of Education (DepEd) ang mga polisiya at programa na naglalayong protektahan ang bawat batang mag-aaral gayundin ang buong komunidad ng paaralan.
Ito’y kausnod na rin ng pinakahuling insidente ng pamamaril sa paaralan partikular na sa Banga, South Cotabato na ikinasawi ng tatlo kabilang na ang shooter at ikinasugat ng anim na iba pa.
Kaugnay nito, inilatag ng DepEd ang kanilang mga hakbang para palakasin ang kaligtasan ng mga paaralan gaya ng pagtatatag ng Joint Task Force kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).
Gayundin ang pagsasagawa ng mas malalim na security assessment sa mga paaralan kung saan, susuriin din ang lahat ng risk at vulnerabilities ng bawat ekwelahan.
Kasama na rito ang access control, threat reporting, emergency response, at ugnayan sa mga tagapagpatupad ng batas.
Rerepasuhin din ang mga naunang safety measures at tutukuyin ang mga natitirang gap at patuloy na pagpapabilis ng hiring ng School Counselor Associates.

