Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tumulong para tiyakin ang kaligtasan ng publiko at panatilihin ang kapayapaan kaugnay ng mga nakalatag na aktibdad ngayong araw, September 21.
Ayon sa PNP, aabot sa 17,018 pulis ang ipinakalat sa buong bansa para tiyakin ang Police visibility, paghahanda, at napapanahong pagtugon sa iba’t ibang pangunahing lugar.
Mula sa naturang bilang, nasa 8,553 dito ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 465 ang Regional Support Unit personnel, mahigit 1,000 ang Reactionary Standby Support Force (RSSF).
Habang 6,000 tauhan ang magmumula naman sa Police Regional Offices gaya ng Cordillera, Ilocos, Central Luzon gayundin ng CALABARZON at maging mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
Kasunod nito, umapela si PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga makikilahok sa mga aktibidad na bantayang maigi ang kanilang hanay gayundin ay panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa mga pagtitipon.