Pangkalahatang naging mapayapa ang mga kilos-protestang isinagawa ng iba’t ibang grupo sa buong bansa ngayong araw, September 21.
Ayon kay PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr., maiuugnay ito sa ipinatupad na maximum tolerance ng mga pulis at sa maingat na pagkakalatag ng seguridad, na ibinatay aniya sa mga marahas na insidente sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Bagaman may ilang isolated incident na naitala, agad naman itong natugunan ng pulisya.
Pinuri rin ni Nartatez ang mga pulis na nasa ground dahil sa kanilang pagtitimpi at propesyonalismo habang tinitiyak ang kaligtasan ng publiko at ang karapatan ng mga raliyista na magpahayag ng saloobin.
Matatandaang mahigit 17,000 pulis ang idineploy para tiyakin ang seguridad at kaayusan sa mga pagtitipon. | ulat ni Diane Lear