Nakasama ni First Lady Liza Araneta Marcos si US First Lady Melania Trump at iba pang first spouses sa luncheon na “Fostering the Future Together” na ginanap sa New York, USA.
Naging sentro ng pagtitipon na ito ang kaligtasan ng mga bata sa digital world, kabilang ang mga panganib na maaaring makaharap online.
Sa kaniyang post, binanggit ng Unang Ginang ang mga kabataang Pilipino na naging biktima ng mga aniya’y creepy websites.
“Here’s to building a safer, brighter and more 𝗵𝗼𝗽𝗲𝗳𝘂𝗹 future for all children — especially our young Filipino youth who have fallen victims to all these 𝗰𝗿𝗲𝗲𝗽𝘆 websites.” —FL Liza.
Aniya, kahit saanman panig ng mundo nagmula o napabibilang, lahat ay nagkakaisa at umaasa na mabigyan ng oportunidad ang mga bata na matuto at umunlad, habang nananatiling ligtas at protektado, sa gitna ng pagyabong ng digital world.
“No matter where we come from, we all share the 𝘀𝗮𝗺𝗲 𝗵𝗼𝗽𝗲 for our children — that they are given every opportunity to 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻, 𝗴𝗿𝗼𝘄 and 𝘁𝗵𝗿𝗶𝘃𝗲, while staying 𝘀𝗮𝗳𝗲 and 𝗽𝗿z3n𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 in an increasingly digital world.” —FL Liza.
Kaugnay nito, nagpasalamat si FL Liza kay Melania Trump para sa inisyatibo sa pagtitipon na ito, upang maisulong ang isang misyon na aniya ay malapit sa puso ng bawat magulang. “Thank you, 𝗙𝗟𝗢𝗧𝗨𝗦, for bringing us together for a cause so close to 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁’𝘀 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁.” —FL Liza.