Gagawing modelo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang detention basin ng Metropolitan Cathedral.
Nasaksihan mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon na epektibo laban sa baha ang nasabing detention basin.
Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawa ng mga water detention basin sa Dagupan, Pangasinan at itulad ito sa detention basin sa Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist.
Ilang lugar kasi sa Dagupan ang nakaranas ng pagbaha ng isa’t kalahating buwan pero ito ay mababago na kapag napatupad ang plano.
Ayon pa kay Dizon, may direktiba na ang Pangulo na ipatupad agad ang mga plano upang hindi na mahirapan pa ang mga residente.