May bagong pinuno ang intelligence arm ng Bureau of Customs o BOC kasunod ng reassignment ng dalawang opisyal ng ahensya.
Batay sa Customs Personnel Order noong Setyembre 15, inilipat si Director III Thomas Narcise mula Customs Intelligence and Investigation Service–Intelligence Group o CIIS-IG patungo sa Commissioner’s Strategic Advisory Office.
Si Director III Jeoffrey Tacio naman, na dating nasa Strategic Advisory Office, ang itinalaga sa CIIS-IG.
Agad na epektibo ang kautusang nilagdaan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.
Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Narcise sa reklamong ipinadala kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Disyembre 2025 ng ilang Customs officials, empleyado at stakeholders na humihiling ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng smuggling protection, korapsyon at abuse of authority sa ahensya.
Isinagawa ang reassignment kasunod ng pahayag ni Nepomuceno na agad reresolbahin ang imbestigasyon sa umano’y ilegal na aktibidad sa BOC, kabilang ang insidenteng kinasangkutan ng Highway Patrol Group sa isang warehouse sa Bulacan.
Nauna ring nanawagan si Senator JV Ejercito na linisin ng BOC ang hanay nito.