Sumipot sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes, September 25, si Senator Robin Padilla matapos siyang ipatawag ng DOJ.
‘Yan ay kaugnay sa reklamong kinahaharap na inihain ng PNP-CIDG laban sa senador kaugnay sa umano’y pagpapatakas ni Padilla kay Dela Rosa sa Senado noong inaabangan siya ng NBI para isilbi ang arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Ayon sa mga abogado at kaalyado ng senador, hindi natuloy ang preliminary investigation dahil may mga dokumento pang kulang ang CIDG.
Dahil dito, muling itinakda ang preliminary investigation sa October 9 habang sa November 12 naman magsusumite ng counter affidavit si Senator Padilla kung saan inaasahan ang muling pagpunta niya sa DOJ.