Inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang umano’y ilang paraan ng China para palawakin ang impluwensiya nito sa Pilipinas.
Kabilang dito ang paggamit umano ng pekeng local identities, na iniugnay niya sa mga kasong kinasasangkutan nina Alice Guo at Tony Yang.
Binanggit din ng kalihim ang academic exchanges, scholarships at cultural organizations bilang mga posibleng daan ng mas malawak na pakikipag-ugnayan.
Ayon kay Teodoro, bahagi ito ng tinatawag na “United Front” work ng China at Chinese Communist Party.
Kasabay nito, sinabi niyang dapat nakabatay sa ebidensiya ang mga operasyon laban sa mga ilegal na aktibidad at hindi dapat mauwi sa diskriminasyon laban sa mga Chinese national.
Iginiit niyang mahalaga ang intelligence gathering, law enforcement at public awareness para maprotektahan ang national security.