Mahigit 70,000 ang nag-apply sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM para sa academic year 2026-2027, pero 3,000 lamang ang tinanggap ng unibersidad.
Ayon kay PLM President Atty. Domingo Y. Reyes Jr., 43,000 sa mga aplikante ang nakakuha ng entrance exam, ngunit limitado ang kapasidad ng unibersidad na tumanggap ng mas maraming estudyante.
Sinabi ni Reyes na hanggang September 30 ang online application para sa susunod na school year, at nasa 65,000 na ang nakapagsumite ng aplikasyon.
Samantala, inaasahang madaragdagan ang enrollment capacity ng PLM kapag natapos ang bagong Health Sciences Building.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, 132 na sa 340 piles para sa College of Health Allied Sciences ang nakumpleto na.
Layunin umano ng city government na lumikha ng mas maraming espasyo sa loob mismo ng PLM para mas maraming estudyante ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral.
Iniulat din ni Reyes na nakatanggap na ang PLM ng kabuuang 125 million pesos na subsidy mula sa pamahalaang lungsod.
Tiniyak naman ni Mayor Domagoso na magpapatuloy ang Manila sa pagpopondo sa libreng edukasyon sa PLM, sa kabila ng malaking gastusin ng gobyerno sa bawat estudyante. | ulat ni DK Zarate