Paulit – ulit na lamang at wala pa ring basehan ang mga pinakahuling alegasyon ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matapos nitong sabihin na media stunt ng administrasyon para pabagsakin siya, ang pahayag ni Rodulfo Gracioso na tumanggap siya ng maleta ng pera.
Kung matatandaan lumutang si Gracioso Jr. na nagpakilalang dating security aide ni former Speaker Lord Alan Velasco at nag-akusang naghatid sya ng male-maletang pera kay Duterte sa utos umano ni Velasco.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, mismong kay Pangulong Marcos Jr. nagmula ang mga salitang nonsense at fake news ang mga akusasyon ng Bise Presidente laban sa administrasyon.
Sabi ni Castro, si Pangulong Marcos Jr. ang tumawag sakaniya upang ipaabot ang reaksyon sa pahayag ni VP Sara, na desperado umano ang administrasyon na pabagsakin ang ikalawang pangulo, sa pamamagitan ng pagtutulak ng Charter Change at umano’y pagpigil sa 2028 elections.
Sinabi rin ni Castro, tinawag ng Pangulo na mga buwaon o mga sinungaling ang mga taong gumagawa ng ganitong mga akusasyon.
“Paulit-ulit kasi, hindi tumitigil sa paninira kay Pangulo, sa paninira sa administrasyong ito na ang tanging ginagawa lamang ay magtrabaho, trabaho para sa Pilipinas, magtrabaho para sa ating mga kababayan. So, hindi puwedeng isabalewala na lang ang lahat ng kasinungalingang ito na namumutawi sa isang obstructionist, sa isang destabilizer.” —Castro. | ulat ni Racquel Bayan