Patuloy na pinaigting ng pamahalaan ang Oplan Kontra Baha at iba pang flood mitigation measures upang mabawasan ang pagbaha sa mga flood-prone at mabababang lugar sa bansa.
Kabilang sa mga hakbang ang tuloy-tuloy na declogging, dredging at desilting ng mga pangunahing daluyan ng tubig para mapabilis ang paghupa ng baha tuwing malakas ang ulan.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tiyaking maayos at malinis ang mga drainage system at waterways bilang bahagi ng paghahanda sa tag-ulan.
Patuloy ang mga flood mitigation operation sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao bilang bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan laban sa pagbaha.
