Muling pina-alalahanan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga employer na dapat ay kasama na sa September 30 payroll ang dagdag na ₱60.00 sa mga minimum wage earners sa National Capital Region.
Giit ng kalihim na mayroong ₱1,560 na dagdag sa kada buwang sahod ng mga mangagawa sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, ang dagdag sahod ay makikita rin dapat sa 13th month pay na tatanggapin ng mga empleyado.
Mayroong 1.1 milyon na minimum wage earners sa NCR ang makikinabang sa nasabing taas sahod na epektibo noong Setyembre 26, 2026.