Isa ang pagtutok sa El Nino at inaasahang lalakas pa patungo sa Very Strong El Niño sa panahon ng September to December 2026 ang pinagkaka-abalahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang binigyang diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa harap na din ng una ng pahayag ng PAGASA na ito’y nagsisimula na.
Ayon kay Castro, maraming dapat gawin para tugunan ang mga peligrong posibleng idulot ng matinding tag- tuyot na ang peak ay sinasabing mararamdaman ngayong buwan hanggang Disyembre.
Bukod sa pagtutok sa El Nino na maaaring magpatuloy pa hanggang unang bahagi ng 2027 ay abala din ani Castro ang Presidente sa krisis sa Middle East.
Ang nagaganap na mga sitwasyon pagbibigay-diin ng Communication official ay higit na mahalagang dapat na mapagtuunan ng kaukulang pansin na nangangailangan aniya ng aksiyon.