Bineberipika na ng Office of the Ombudsman ang mga bagong alegasyong lumilitaw kaugnay ng umano’y maanomalyang cash deliveries sa pamilya Duterte ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr.
Paliwanag ni Ombudsman Boying Remulla, kailangan pa itong dumaan sa masusing beripikasyon at pagtatanong bago masabing kapani-paniwala ang kanyang mga alegasyon.
Patuloy din aniya ang monitoring sa mga personalidad na nagsasalita at hihintayin muna ang sapat na ebidensya bago gumawa ng hakbang sa imbestigasyon.
Kasabay nito ay kinumpirma rin ni Remulla, na ilang beses nang nababanggit sa imbestigasyon si dating House Speaker Lord Allan Velasco, ngunit kailangan pa ring mapatunayan ang anumang alegasyon laban sa kanya.
Si Gracioso ay nagpakilalang dating security officer ni Velasco.