Humihingi ng opisyal na paliwanag ang Seoul sa Kyiv buhat sa umano’y pagbubunyag nito na nailipat na sa South Korea ang kustodiya sa dalawang sundalong North Korean na bihag ng giyera sa Ukraine.
Ayon kay South Korea Senior Presidential Secretary for Public Relations, Seong Ghi-hong, lubos na ikinalulungkot ng Seoul ang unilateral disclosure ng Ukraine sa nasabing hakbang maging sa pagtanggi ng Kyiv na mayroong non-disclosure agreement hinggil dito.
Ani Seong, makailang beses na sumang-ayon ang Ukraine na gawing confidential ang paglilipat ng mga nasabing bihag bilang tugon sa isyu ng seguridad, diplomatic, at humanitarian concerns.
Dagdag pa ng opisyal, dahil sa disclosure, seryosong nadungisan ang tiwala sa pagitan ng dalawang bansa at maaari makasira sa diplomatikong ugnayan nito.
Maaalalang sa kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly noong nakaraang linggo, binanggit ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nai-transfer na ng Kyiv sa South Korea ang dalawang North Korean na nakipaglaban para sa hanay ng Russia sa Ukraine.
Ilang araw matapos ang talumpati ni Zelensky, nagpahayag nang pagkadismaya si South Korean President Lee Jae Myung sa ginawa ng Ukrainian leader buhat tinawag niyang paglabag sa non-disclosure agreement ng dalawang bansa.