Ipinatupad ang suspensyon ng face-to-face classes sa ilang probinsya at mga pangunahing unibersidad ngayong Martes, September 29, 2026. Ito ay bunga ng ikinasang transport strike ng ilang malalaking grupo ng pampublikong sasakyan.
Ayon sa mga ulat, nagkasa ng nationwide transport strike ang grupong Manibela mula September 28 hanggang September 30, habang ang grupong PISTON naman ay magsasagawa ng kanilang tigil-pasada mula September 29 hanggang September 30.
📍 MGA LALAWIGAN
- Albay – Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (publiko at pribado) mula September 29 hanggang September 30. Ipatutupad muna ang alternative learning modalities sa buong lalawigan.
🏫 MGA PAARALAN AT UNIBERSIDAD
Upang maiwasan ang perwisyo sa mga mag-aaral at guro, nag-anunsyo ang mga sumusunod na pamantasan ng paglipat sa online classes o suspensyon ng face-to-face classes:
- Adamson University – September 28 hanggang 29
- Arellano University – Lilipat sa online learning ang lahat ng year levels sa lahat ng campus nito
- Bicol University – Online classes at work-from-home arrangement
- Carlos Hilado Memorial State University – Walang face-to-face classes sa Alijis, Fortune Towne, at Talisay campuses
- Centro Escolar University (Manila at Makati) – Lilipat sa online learning
- Far Eastern University (Manila at Makati City campus) – September 28 hanggang 30
- Philippine Normal University – Manila – September 29
- San Sebastian College – Recoletos (Integrated Basic Education at College Department) – September 28 hanggang 30
- St. Scholastica’s College – Lahat ng klase ngayong September 29
- Technological Institute of the Philippines (TIP) – September 29 hanggang 30
- University of the East (Manila at Caloocan) – September 29 hanggang 30
- University of Santo Tomas (UST) – September 28 hanggang 29
I-refresh ang pahina para sa mga susunod pang anunsyo at karagdagang updates mula sa mga lokal na pamahalaan at pamunuan ng mga paaralan.