Nag-plead ng not guilty sa kasong graft sa Sandiganayan 5th Division ang pitong dating opisyal ng DPWH-Bulacan 1st District Engineering Office.
Ito ay kaugnay ng umano’y ₱77-milyong ghost flood control project sa Balagtas, Bulacan.
Kabilang sa mga nag-not guilty sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Juanito Mendoza, Arjay Domasig, Niño Morales, Floralyn Simbulan at Christina Pineda.
Ang graft case ay isinampa laban sa kanila at kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co kaugnay ng proyekto para sa riverbank protection structure sa Balagtas River na ayon sa Ombudsman ay idineklarang 100% kumpleto ngunit natuklasang wala ang istruktura sa lugar.
Samantala, binigyan ng Sandiganbayan ng 10 araw ang apat na opisyal na nasa floating status para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat isailalim sa preventive suspension.
Si Co ay nananatiling at large at nahaharap din sa hiwalay na mga kaso kaugnay ng iba pang flood control projects.