Plano ng Asian Development Bank (ADB) na maglaan pa ng karagdagang $3 bilyong para sa tourism projects sa Southeast Asia sa susunod na tatlong taon.
Kasunod ito ng mahigit $3.7-bilyon na inilaan ng ADB para sa turismo sa rehiyon mula 2015 hanggang 2025.
Ayon kay ADB Philippines Country Director Andrew Jeffries, kailangang palakasin ang paghahanda para sa pamumuhunan sa turismo dahil lilikha ito ng maraming trabaho at susuporta sa mga local business.
Giit pa ni Jeffries, makatutulong ang public financing, technical assistance, at concessional resources para mabawasan ang mga panganib at makahikayat ng private capital.
Kabilang sa tinukoy na hamon ang undercapitalized secondary cities at tourism micro, small, and medium enterprises, gayundin ang gap sa koordinasyon ng mga lugar.
Inaasahan ng ADB na aabot sa $685 billion pagsapit ng 2036 ang ambag ng turismo sa ekonomiya ng rehiyon.