Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya sa pamamagitan ng mas malawak na paggamit ng teknolohiyang nakatuon sa pagpapalitan ng impormasyon.
Ito ayon sa PNP ang tumutulong upang mapabilis ang pagpapatupad ng batas laban sa mga grupong kriminal at iba pang ilegal na aktibidad.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, dahil sa makabagong teknolohiya, mas magiging mabilis at mas episyenteng nakapagpapalitan ng mahahalagang impormasyon ang mga yunit ng pulisya at iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas.
Binigyang diin ng PNP Chief ang tuloy-tuloy na koordinasyon at pagbabahagi ng impormasyon sa isang operasyong pandagat kasama ang Philippine CoastGuard (PCG), Bureau of Customs (BoC), Philippine Marine Corps (PMC), Philippine Tobacco Institute (PTI) at iba pang law enforcement units.
Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng tinatayang ₱48 milyon halaga ng mga ilegal na sigarilyo sa Bataraza, Palawan.
Sinabi ni Nartatez, ipinakikita ng tagumpay ng mga magkakaugnay na operasyon ang pangangailangan para sa mas matibay na mga mekanismo ng pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng mga ahensyang may tungkuling magpatupad ng batas.