Naglabas ang Palasyo ng proklamasyon na lalo pang magpapalawak sa economic zone ng Cavite.
Pirmado ni Executive Secretary Ralph Recto ang Proclamation No. 1460 na magdaragdag ng lupang maaaring saklawin sa ilalim ng Cavite Economic Zone 2.
Ilan sa mga karagdagang bahagi ng economic zone ng lalawigan ang lupa sa Barangay Sta. Rosa 1 sa Noveleta.
Umaabot sa humigit-kumulang sa 14, 640 square meters ang kabuuang lawak ng mga lupang naidagdag sa Cavite economic zone.
Inilabas ang proclamation base sa rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA sa ilalim ng Directors’ Resolution No. 16-189 series of 2016.
Nilagdaan ni Executive Secretary Recto ang Proclamation No. 1460 nitong nakaraang Lunes, September 28.