Tumanggap ng pagkilala at papuri ang Philippine Red Cross (PRC) mula sa Department of Health (DOH).
Ito’y dahil sa maagap na pagtugon at pag-alalay sa mga pasyenteng apektado ng mga sakit tuwing tag-ulan partikular na ang leptospirosis
Sa liham na ipinadala ni Health Sec. Edwin Mercado kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, nagpasalamat ito sa Red Cross sa pagpapadala ng mga volunteer na umagapay sa health personnel sa dagsa ng mga pasyente lalo na sa San Lazaro Hospital.
Malaking bagay ayon sa Kalihim ang presensya ng mga Red Cross personnel upang maibsan ang bigat ng dinadala ng mga health professional sa pagtugon sa kalagayan ng mga pasyente.
Tugon naman ni Gordon, kailangan ang bayanihan at pagtutulungan sa panahon ng higit na kinakailangan upang mapagsilbihan ang publiko.
Inilarawan pa ni Sec. Mercado ang pagtugon ng PRC na “Mabilis, Patas, at Mapagkakatiwalaan.”