Tiniyak ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi ipapasa sa publiko ang anumang dagdag sa printing cost ng passport.
Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, humihiling ang APO Production Unit sa Department Of Foreign Affairs (DFA) ng subsidy para masagot ang pagtaas ng gastos sa paggawa ng pasaporte.
Sinabi ni Gomez na hindi na nagbago ang kasalukuyang printing rate mula pa noong 2016.
Sinabi ito ni Gomez matapos talakayin sa Senate Subcommittee on Finance ang panukalang pagtaas ng passport fee mula 900 pesos tungo sa 1,500 pesos.
Sa budget hearing ng PCO, ipinaliwanag naman ni APO Production Unit Head Atty. Gil Carlos puyat na hindi sila humihiling na itaas ang presyo ng pasaporte para sa publiko.
A niya, subsidy mula sa DFA ang hinihiling nila dahil hindi na sapat ang kasalukuyang presyo para matugunan ang tumataas na production cost.
Dagdag ni Puyat, nakaapekto rin sa kanilang production cost ang paglawak ng validity ng passport mula limang taon tungo sa 10 taon dahil bumaba ang volume ng napo-procuce na passports.
binigyang-diin naman ni Senate Committee On Finance Chairman Senador JV Ejercito na kailangang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng passports, lalo na para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sinabi ng senador na kung kinakailangan ang subsidy, maaari itong pag-aralan at pagtulungan ng mga kinauukulang ahensya para hindi mahirapan ang publiko sa pagkuha ng pasaporte.