Pinagtibay ng Pilipinas at Japan ang kanilang matagal nang pagkakaibigan at estratehikong ugnayan.
Kung saan nakipag pulong si Japanese Ambassador-designate na si Kitagawa Katsuro para sa isang courtesy call, kay DFA Secretary Ma Theresa Lazaro at tinalakay ang mga hakbang upang higit pang palakasin ang 70 taong ugnayan ng Pilipinas at Japan at isulong ang kanilang Comprehensive Strategic Partnership.
Napag-usapan din ang lumalalim na kooperasyon sa larangan ng seguridad at maritime cooperation, kabilang ang Official Security Assistance, o O-S-A.
Muling pinagtibay ang suporta sa mahahalagang proyekto para sa ekonomiya at kaunlaran, kabilang ang Luzon Economic Corridor at Metro Manila Subway.
Ayon sa pamahalaan, inaasahang makikipagtulungan si Ambassador Kitagawa upang maisalin sa mas konkretong benepisyo para sa mga mamamayan ng Pilipinas at Japan ang matagal nang pagkakaibigan ng dalawang bansa.