Nasa ₱45.67 billion ang panukalang pondo sa susunod na taon para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang nasabing halaga ng proposed budget ay binalangkas sa harap ng inaasahang umabot pa ang super El Niño ng hanggang unang anim na buwan ng 2027.
Bukod sa NDRRMF ay mayroon ding quick response fund na aabot sa ₱9.885 bilyong na ipamamahagi sa frontline agencies.
Mayroon ding budget allocation para sa NFA rice buffer stock na nasa ₱11.18 billion, ₱4.5 billion para sa crop insurance na para sa may 2.34 na milyong magsasaka at mangingisda.
Nasa ₱30.47 billion din ang ihahanda sa irrigation registration and development habang para sa taong ito ay may nakatabi na ding pondo for release, na ilalaan sa mga magsasaka at mangingisda na maaapektuhan ng matinding tagtuyot.