Maglalabas ng 100 milyong bariles ng strategic diesel at oil reserves ang G7 member countries upang makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa ulat ng BBC News, ang anunsyo ay ginawa ni French President Emmanuel Macron sa isang emergency meeting ng G7 group of advance economies.
Sa isang press briefing, sinabi ni French President Macron na isasagawa ang pag-release ng G7 oil reserves sa loob ng apat na buwan.
Anv nasabing hakbang na ito ng G7 countries ay sa likod ng planong pag-ban ng US diesel exports na maaaring magdulot ng pagsipa ng presyo sa international market.
Patuloy na naapektuhan ang supply at presyo ng produktong petrolyo sanhi ng kaguluhan sa Middle East, partikular sa hidwaan sa pagitan ng US at Iran. | ulat ni Rey Sampang