Itutulak ng Pilipinas ang mas matatag na agenda para sa seguridad sa enerhiya sa ASEAN, sa pagho-host nito sa 44th ASEAN Ministers on Energy Meeting o AMEM44 at mga kaugnay na pagpupulong mula Oktubre 5 hanggang 9 sa Philippine International Convention Center o PICC.
Pangunahing pag-uusapan ang pagpapalakas ng regional electricity connectivity, paghahanda sa posibleng pagkagambala sa suplay ng langis, diversification ng energy sources, energy efficiency, at pag-akit ng investments para sa innovation at trabaho.
Tampok din ang pagpapaunlad ng ASEAN Power Grid, kabilang ang operationalization ng Enhanced APG Memorandum of Understanding, at ang pagpapatupad ng ASEAN Framework Agreement on Petroleum Security.
Kasabay ng AMEM44 ang 26th ASEAN Energy Business Forum, na inaasahang dadaluhan ng mahigit 1,500 delegado mula sa rehiyon at iba pang bahagi ng mundo.
Layunin ng Pilipinas sa isasagawang pulong na gawing mas praktikal ang regional cooperation upang matiyak ang mas maaasahan, abot-kaya, at mas malinis na enerhiya para sa publiko, habang pinatitibay ang kakayahan ng ASEAN na harapin ang mga susunod na krisis.