Habambuhay nang pagbabawalan ng Land Transportation Office na kumuha ng driver’s license ang isang colorum taxi driver na naningil ng P200 kada kilometro sa isang PWD na pasahero mula NAIA.
Batay sa imbestigasyon ng LTO, napatunayang lumabag ang driver sa overcharging of fare at paggamit ng expired na lisensya habang namamasada.
Nabatid din na gumamit ang driver ng pekeng pagkakakilanlan.
Naglabas ang LTO ng Show Cause Order laban sa driver at operator nito matapos iulat ng magulang ng pasahero ang insidente.
Dahil sa mga paglabag, idineklarang improper person to operate a motor vehicle ang driver at ipinatupad ang perpetual revocation o lifetime ban sa pagkuha ng driver’s license.
Nananatiling naka-alarm ang taxi na ginamit sa insidente.