Nakikiisa ang Civil Service Commission sa paggunita ngayong October ng 37th National Statistics Month.
Tema nito ang “Tuklas Pilipinas: Statistics as Beacon Towards Inclusive, Resilient, and Sustainable Tourism.”
Binigyang-diin ng CSC ang kahalagahan ng maaasahang datos sa pagbuo ng mga polisiya para sa sustainable tourism.
Ayon sa komisyon, mahalaga ang datos upang matiyak na tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino ang serbisyo ng pamahalaan.
Hinikayat ng CSC ang mga lingkod-bayan na magpatuloy sa paglilingkod nang may integridad, katumpakan at malasakit.