Pinaiigting ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) ang paghahanda nito sa posibleng epekto ng matinding El Niño sa Metro Manila.
Kabilang dito ang mas mahigpit na monitoring at pamamahala sa mga watershed, pinagkukunan ng tubig, ilog, waterways, at groundwater.
Ayon kay DENR-NCR Regional Executive Director Nilo Tamoria, kailangang maagang kumilos bago maramdaman ang matinding epekto ng matagal na tagtuyot.
Patuloy ding ipinapatupad ang mga water management measures sa mga government facility, kabahayan, village, at condominium sa Metro Manila.
Hinimok ng DENR ang mga tanggapan, negosyo, at residente na magtipid ng tubig at iwasan ang mga gawaing maaaring magdulot ng polusyon. Patuloy ding makikipag-ugnayan ang DENR-NCR sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang maprotektahan ang mga pinagkukunan ng tubig habang naghahanda sa posibleng water stress.