Pinabilis ng Department of the Interior and Local Government at Council for the Welfare of Children ang referral ng mga kaso ng pang-aabuso at iba pang panganib sa mga bata.
Nilagdaan ng dalawang ahensya ang Memorandum of Understanding para palakasin ang koordinasyon ng Unified 911 at MAKABATA Helpline 1383.
Ayon sa DILG, 450 tawag na may kinalaman sa mga bata ang naitala ng Unified 911 hanggang September 2026.
Kabilang dito ang mga ulat ng abuso, sexual harassment, rape, human trafficking at prostitution.
Sa ilalim ng kasunduan, ire-refer sa mga kinauukulang ahensya ang mga kasong nangangailangan ng agarang police, medical, rescue at social welfare assistance.
Samantala, ang mga ulat ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata ay ire-refer sa MAKABATA 1383 para sa assessment at intervention. | ulat ni Rey Ferrer