Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang proseso ng regularization ng mga “tempo” Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Mega Manila area.
Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua Jr., tatanggap ng mga aplikasyon simula Oktubre 8 at tatagal ito ng 30 calendar days.
Online lamang ang pagsusumite ng aplikasyon sa official LTFRB digital platform.
Sakop lamang ng programa ang mga unauthorized TNVS units na kabilang sa validated masterlists na isinumite ng mga Transport Network Companies (TNCs).
Sinabi ni Pua na kailangan ding pumasa ang mga sasakyan sa roadworthiness inspection at matugunan ang iba pang requirements bago mabigyan ng Provisional Authority. Nilinaw pa niya na hindi ito general opening para sa mga bagong TNVS applications.