Photo courtesy of Manila PIO
Maaaring ikonsidera ang mga motorista na makalabag sa batas-trapiko dahil sa napatunayang emergency sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, maaaring muling suriin ang violation kung mapapatunayang napilitang lumabag ang motorista, gaya ng pagtawid sa red light, dahil sa isang emergency.
Binigyang-diin ni Moreno na mahalagang mapatunayan muna ang emergency bago ikonsidera ang paglabag.
Tiniyak naman ng alkalde na tuloy ang pagpapatupad ng NCAP upang mapalakas ang disiplina at kaligtasan sa mga kalsada ng Maynila.