Welcome sa House prosecution ang desisyon ng impeachment court na pasimplehin ang proseso ng presentasyon ng bank accounts ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay legal spokesperson at private prosecutor Atty. Jay Tolosa Jr., malaking tulong ito upang mas maging mabilis at episyente ang paglalahad ng kanilang ebidensyang pinansyal.
Para ngayong araw nasa 11 pa na bank officials mula sa walong bangko ang haharap sa impeachment court para i-authenticate ang bank records ni VP Sara at Atty. Mans Carpio para sa unexplained wealth.
Maaalalang sa day 34 ng paglilitis, nag-debate ang magkabilang panig hinggil sa pagpapatunay ng mga dokumentong direktang galing sa mga financial institution.
Naging mabagal din ang presentsyon dahil tumanggi ang depensa na magstipulate.