Mga biktima ng sunog sa QC, agad inalalayan ng DSWD
Agad na rumesponde ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Central, Quezon City.
Nagsagawa ang DSWD-NCR ng initial coordination at assessment para matukoy ang lawak ng epekto ng insidente.
Inalam din ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente.
Ayon sa DSWD, batay sa resulta nito, tutukuyin ang angkop na tulong na maaaring maipagkaloob sa mga apektadong pamilya.
