Binigyang pugay ang mga natatanging senior citizens sa 3rd Gawad Parangal for Exemplary Senior Citizens na ginanap sa Quezon City.
Bahagi ito ng paggunita sa Elderly Filipino Week 2026 na kumikilala sa mga nakatatandang nagpakita ng natatanging pamumuno, serbisyo at ambag sa kanilang komunidad at bansa.
Kasabay nito ang unang Outstanding Apo ni Lolo at Lola Award para sa mga apo na naging huwaran sa pagmamahal, paggalang at pagmamalasakit sa kanilang mga lolo at lola.
Pinangunahan ang programa ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes.
Sa kanyang talumpati, binigyang diiin nito ang patuloy na pagsusulong ng mga batas at programa na tutugon sa mga pangangailangan at karapatan ng mga senior citizens.
Ang Elderly Filipino Week 2026 ay ipinagdiriwang mula October 1-7, na may temang, “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan.”
