Makikipagtulungan ang Department of Environment and Natural Resources sa mga lokal na pamahalaan para ipatupad ang water conservation measures sa gitna ng banta ng El Niño.
Tiniyak din ng DENR na nananatiling matatag ang suplay ng tubig sa Angat Dam na nagsusuplay sa Metro Manila.
Samantala, nakikipagtulungan din ang ahensya sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System at iba pang water concessionaires para tiyaking may mobile at stationary water tankers sa strategic areas.
Hinimok naman ang publiko na isumbong ang anumang posibleng tagas dahil malaking bahagi ng tubig ang nasasayang dahil dito.
Samantala, plano ng DENR na maglabas ng direktiba na humihikayat sa mga golf course sa Metro Manila na gumamit ng recycled water para mabawasan ang epekto ng El Niño.