Nanatiling prayoridad ng mga bansa sa Silangang Asya ang pagpapalakas ng koneksyon at katatagan sa sektor ng enerhiya.
Ito ang naging sentro ng talakayan sa EAS ECTF Preparatory Meeting para sa East Asia Summit Energy Ministers Meeting.
Tinalakay sa pulong ang mga paghahanda para sa nalalapit na ministerial meeting, kabilang ang draft agenda, mga pag-aaral sa patakaran sa enerhiya sa ilalim ng ASEAN Plan of Action for Energy Cooperation o APAEC, at pananaliksik sa decarbonisation sa ASEAN at Silangang Asya.
Sinuri rin ang progreso at mga susunod na plano para sa iba’t-ibang energy cooperation work streams.
Kabilang dito ang biofuels, energy efficiency and conservation, renewable at alternative power generation, at ang EAS Clean Energy Forum.
Layunin ng mga hakbang na higit pang palakasin ang kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon para sa mas matatag, episyente at malinis na suplay ng enerhiya. | ulat ni Aj Ignacio