Pag-aaralan ng National Bureau of Investigation na ipakansela ang pasaporte at travel authority ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste matapos lumabas ang arrest warrant nito.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, makikipag-ugnayan sila sa Department of Justice at House of Representatives.
May koordinasyon na rin aniya ang bureau sa Philippine Center on Transnational Crime para malaman kung kabilang ang kaso ni Leviste sa mga krimeng sakop ng Interpol red notice.
Sa huling impormasyon ni Matibag, nagpunta ang kongresista sa France at Germany. Makikipag-ugnayan din aniya ang NBI sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration. | ulat ni Aj Ignacio